Home » Archives » December 2007 » Page 2
cooperation.
December 13, 2007kung sino pa yung mga malalakas magreklamo, sila pa yung mga wala pag kailangan mo.
alam mo yun? sige, magdadaldal kayo hanggang gusto nyo, pintasan nyo na lahat…
pero siguraduhin nyo lang na ginagawa nyo yung part nyo, di ba?
nagkasamaan na nga kami ng loob ng taong di naman dapat makaaway eh, dahil sa asar ko sa inyo.
basta walang sisihan pagdating ng huli talaga.
wala sana akong marinig sa inyo.
kasi kung meron pa…
baka hindi na ako makapagpigil, masaktan ko kayo.
masakit talaga akong magsalita, lalo na kasi kami lang ang nag-eeffort.
…
pasensya na mga fans, ha?
naglalabas lang ng sama ng loob.
busy, busy, busy…
December 12, 2007pss week ngaun…
nakakatatlong baso na ako ng iced coffee…
masama pala un… nakakahilo na nakaka-aning…
para akong overworked na, oversexed pa! *anu daw? ahahahahaa~*
at kelangan ko pang tapusin ang project ko sa aking mahal na prof…
haaaai.
late ka na naman, muning…
December 7, 2007pucha, magkalaman lang ang blog-bloggan ko, kung anu-ano na ang tinatype ku.
…
di pa rin ako tapos sa intro ng thesis.
may exam ata kame ngaun sa statistics, pero di na ako pumasok kasi late na ako.
naipambili ko na ng boxer shorts ni love interest yung pang-exchange gift ko.
at kahit na ibili ko pa sya ng house and lot, hindi pa rin xa magiging akin.
…
wala lang.
Tips on Gift-Giving Part 2
December 2, 2007oraaaayt.
syempre pag pasko, anjan ang sandamakmak na xmas parties na pupuntahan mo.
at sa bawat xmas party, hindi mawawala ang exchange gift.
may ibang parties na considerate; meaning, mababa lang ang minimum amount ng pang-exchange gift mo.
pero may iba naman na mapipilitan kang magpawala ng pera, dahil kahiyaan na.
idagdag pa sa sakit ng ulo ang dahilan na hindi mo tiyak kung sino ang tatanggap ng regalo mo, kasi bunutan!
ano ba ang dapat gawin?!
1. tiyakin na unisex ang regalong bibilhin mo. well, alam naman nating lahat un. pero please lang, spare the picture frame!
2. bumili ng maramihan. pati yung wrapper, pwede nang bumili in 10s. tipid, kasi mas madaling tumawad kapag marami ang binili mo. tapos, hindi ka pa mahihirapang mag-isip ng iba-ibang gift per party!
3. consider the crowd that would come to the party. halimbawa, kung sa party ng mga church people ka pupunta, huwag na huwag bibili ng tshirt na may "Certified Sex Instructor" na nakaprint. diusmiyo!
4. wag kang magbibigay ng suklay sa kalbo. baka imbes na happiness, poot ang makamtan mo. gets?
5. in wrapping gifts; never, EVER, reuse panty boxes. bakit? well…. wala lang.
ayan…. sana naman ay nakatulong ang aking simple tips.
have a merry christmas!


