Home » Post Item » go away, grinch!
go away, grinch!
December 28, 2007kakatapos lang ng aming first-ever gift-giving project.
mga aeta ang aming unang beneficiary.
well, hindi naman kami nag-todo handa. tamad nga kaming mag-solicit eh.
(chaka di ako naniniwala sa solicitation; lalo na kung ako lang ang lalapit)
eniwei, bagamat masasabi kong successful naman ang aming project, i can't say na elated ako ngaun.
yung tipong mangiyak-ngiyak habang nag-aabot ng mga supot sa mga kapatid naming aeta? wala akong nararamdamang ganun ngayon.
siguro dahil dalawa lang kaming nag-organisa ng buong project na 'to, at nasasakluban pa rin ako ng stress hanggang ngayon…
siguro dahil yung ibang aeta na hindi naman nakapagpalista sa amin, eh nagagalit pa.
siguro dahil alam kong hindi ko pa nagawa yung best ko… at kung nagawa ko man, hindi lumabas kasi hindi naman ganun ka-dynamic yung mga kasamahan ko…
well, at least nairaos na namin ito. masasabi ko na lumelebel na ang aming children's choir.
opo, mga bagets po ang kasama ko. 8 lang kaming teenagers, pero 4 lang ang tumulong.
ako at yung presidente lang ang organizing committee. kaya siguro imbes na kasiyahan eh pagod ang nafifeel ko.
haaaaay.
lulunurin ko nalang kina santana, nina sky at nelly furtado ang aking sarili.
here are some pics!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


